Subscribe:

Ads 468x60px

Sunday, April 18, 2010

KAKAIBANG TWISTS, NASAKSIHAN SA "PILIPINAS GOT TALENT"KAKAIBANG TWISTS, NASAKSIHAN SA "PILIPINAS GOT TALENT"


KAKAIBANG TWISTS, NASAKSIHAN SA
Labing apat na contestants ang pasok noong nakaraang linggo sa patok na talent-reality show na "Pilipinas Got Talent" at makakasama na sa mahigit isang daang Pinoy na pagpipilian ng mga hurado para maging official semi-finalists sa nalalapit na judges cull.

Bukod sa nakasanayang mga kantahan at sayawan, talaga namang mas pinag-ibayo nila ang kanilang performances sa pamamagitan ng paglalagay ng twists sa mga ito.

Tulad na lamang ni Benjamin Petilos Jr. o mas kilala bilang Bam ng Manila na nagawang pagsamahin sa isang number si Jon Bon Jovi at Pilita Corrales matapos nitong gayahin ang boses ng dalawa habang kinakanta ang awiting "It's My Life." Hindi naman pinalampas ni Rostela Chiong, 16, ng Cebu ang pagkakataong ipakita ang kanyang talento nang ito ay bumirit ala-Whitney Houston sa kantang "I Will Always Love You" at nagbelly dancing ala-Shakira.

Natatangi din na matatawag ang atakeng ginawa ng pop chorale group na Koro Colegio De Dagupan binigyang nito ng naiibang lasa at buhay ang classic love song na "Endless Love." Ang iba pang pinalad na makuha ang matamis na oo ng mga hurado ay sina Ingrid Payaket na dinala ang Broadway sa Baguio City matapos niyang awitin ang kantang hango sa hit musical na "Miss Saigon," ang Kaagan Dance Theater Collective mula Davao Oriental na nagpamalas ng isang Muslim dance number; at si Maria Jeline Oliva ng Naga City na napabilib ang lahat sa kanyang husay sa pagtugtog ng violin.

Isa na kaya sa kanila ang makakapasok sa semi-finals? Abangan sa "Pilipinas Got Talent," tuwing Sabado, 7:15 PM, at tuwing Linggo, 8:15 PM at ang "Pilipinas Got More Talent," tuwing 4:15 PM mula Lunes hanggang Biyernes. Para sa karagdagang impormasyon, maglog-on na sa http://pilipinasgottalent.abs-cbn.com or sundan sa Twitter ang http://twitter.com/abscbndotcom
via-pilipinasgottalent.multiply.com

0 comments:

Post a Comment